• Rancho Santa Rosa Philippines

War Cannon bred by Rancho Santa Rosa, winner sa MARHO 3YO Stakes Race

https://www.abante.com.ph/war-cannon-walastik-sa-marho-3yo-race-2/


KUMINANG si War Cannon nitong Linggo ng hapon upang pamayagpagan ang Marho Breeders 3-Year-Old Colt and Filly Mile sa Metro Manila Turf Club sa Tanauan, Malvar, Batangas.


Nirendahan ni class A rider Kelvin Abobo, bugaw sa largahan ang top favorite at anak nina Brigand at Ivanavinalot habang tangan ni Gusto Mucho ang unahan.


Pa-far turn pumuwesto na sa pangatlo ang winning horse at pagdating ng huling kurabada ay nakakapit na si War Cannon kay Gusto Mucho.


Sa huling 75 metro ng laban, malinaw na sisikwatin ni War Cannon ang panalo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Nagtala si War Cannon ng tiyempong 1:38.2 sa 1,600-meter race upang sungkitin ang premyong P600K habang may P225K si second placer Gusto Mucho .


Pumangatlo si Stand By Me na may P125K at pumang-apat naman si Namayan na nagbulsa ng P50K. (Elech Dawa- Abante News).


https://www.youtube.com/watch?v=h9iUZUd25Mk&ab_channel=KARERATV

1 view0 comments